HAHARAPIN ni Carlo Caesar “Too Sharp” Penalosa si Salatiel “Pakyaw” Amit para sa bakanteng WBC Asian Boxing Council Silver Flyweight title sa November 10 sa Puerto Princesa Coliseum sa Palawan.

Ang 12-round title fight ay isa sa apat na championships match na bahagi ng programa ng 55th Oriental and Pacific Boxing Federation (OPBF) Annual Convention mula Nov. 9-11.

Ang 24-anyos na si Penalosa (9W-1L-0D, 3 KOs) ay pamangkin ni dating two-division world champions Dodie Boy at Gerry Penalosa.

Nakuha ni Gerry Penalosa ang WBC at lineal super flyweight titles mula 1997-1998 at WBO bantamweight title mula 2007-2009.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Isa nang ganap na boxing promoter si Gerry at kabilang ang Penalosa-Amit title-fight sa pangangasiwa ng kanyang Gerrypens Promotion Inc.

“This is an acid test for Carlo if he is ready for international competition,” sambit ni Gerry.

Galing sa panalo si Carlo, anak ng kapatid na babae ni Gerry na si Marissa, via 3rd-round technical knockout kontra Vincent Bautista nitong August 25 sa Makati Square Boxing Arena sa Makati.

Ang tanging kabiguan ni Penalosa ay ang split decision kontra Reymark Taday noong February 25 sa Elorde Sports Complex sa Paranaque City. Nakabawi siya sa unanimous decision kontra Jayar Diama nitong May 26 sa Antipolo City.

Galing naman sa kabiguan si Amit (10W-3L-2D, 7KOs) ng Omega Boxing Gym kontra Froilan Saludar nitong June 10 sa Mandaue City. - PNA