Ni NORA CALDERON

KAHIT sa mahihirap at delikado ang mga eksenang gagawin Impostora, hindi pala nagpapadobol si Kris Bernal. 

Hindi ba siya natatakot?

“Natatakot din po, like iyong ikinulong ako sa kotse at ihuhulog sa bangin,” natatawang sagot ni Kris. “Nilalakasan ko na lang po ang loob ko kasi mahirap kunan ang eksenang iyon at naroon ang possibility na mahulog nga ang kotse dahil nang kunan namin, umuulan-ulan pa. Kaya kasama po ang dasal, habang ginagawa namin iyon.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kris Bernal
Kris Bernal
“Hindi lang po ‘yon ang mahirap na ginagawa ko, isa pa ay ang daily struggle ko habang nagti-taping, ang pagpapalit ng role nina Nimfa at Rosette. Pero masayang-masaya po ako na sa akin ibinigay ng GMA-7 ang roles na ito sa Impostora. Kasi nararanasan ko rin ang maging kontrabida, kung si Nimfa ay walang ginawa kundi umiyak, si Rosette naman ay laging palaban, pero nahihirapan din po akong sabihin iyong mga pagmumura ko sa kapwa ko artista, kahit acting lang ‘yon, hindi po kasi ako sanay sa ganoon.”

Pabirong tanong kay Kris, may nanumbalik ba sa kanila ni Renz Fernandez, ngayong bumalik sa serye ang character nitong bilang NBI agent?

“Medyo nga po awkward noong una, pero naayos na rin naman after ng ilang scenes.”

Inamin na rin ni Kris na six months dating na sila ng ka-MU (mutual understanding) niyang non-showbiz guy, isang businessman na siyang nagsu-supply ng meat sa kanyang Meat Kris burger business.

“Kasi, at 28, gusto ko pong iyong susunod kong boyfriend, siya na ang last at magiging asawa ko. Pero sa ngayon priority ko po muna talaga ang work ko at ang business ko.  Nagpunta po ako sa Korea, dahil gusto kong dagdagan iyong Meat Kris business ko.  Nag-observe ako roon, kumain ako nang kumain ng dishes nila roon. Nakita ko po kasi na ang mga Pinoy, mahilig sa rice, kaya hindi p’wedeng ang burger ko lang ang kakainin nila lagi. So, nag-decide na akong magtayo talaga ng restaurant na mga Korean dishes ang isi-serve namin. Tatawagin ko itong Seoul Meat at ka-back-to-back ng Meat Kris ko na dalawang kiosks na meron ako.”

Successful si Kris sa showbiz career niya, ganoon din sa business, may guy na sa buhay niya, so, ano pa ang mahihiling niya?

“Wish ko po talaga na manalo ng award. Ten years na po ako sa industry at marami na rin akong nagawang teleserye, pero naniniwala po ako na matatawag lamang akong actress kung mananalo na ako ng award. Iyon po ang ‘dinadasal ko talaga.”

With Impostora, hindi naman malayong makatanggap na siya ng best actress award mula sa award-giving bodies.

Dasal pa, Kris.