PAGKARAAN ng tatlong taon simula nang huling maghiwalay, marami ang nag-akala na tuluyan na silang hindi na magkakabalikan. Pero muli nilang binibigyan ng  isa pang  pagkakataon ang kanilang pagmamahalan. Eksklusibong kinumpirma ng isang source sa Us Weekly na ang pop stars ay opisyal na muling lumalabas simula nang makipaghiwalay si  Selena kay The Weeknd.

“Selena and Justin are back together,” pambubuking ng insider. “Selena and The Weeknd just fizzled and ended amicably — it wasn’t dramatic and it wasn’t about Justin. But Selena always had feelings for Justin. Her friends want her to be cautious because she has been in such a good place post-surgery.”

Justin Bieber at Selena Gomez
Justin Bieber at Selena Gomez
Unang  namataan na muling  magkasama sina Justin, 23,  at Selena, 25, sa bahay ng  huli sa Studio City neighborhood ng Los Angeles nitong huling bahagi ng  Oktubre, ilang  araw  bago kinumpirma ng Us na  naghiwalay na sina  Selena at The Weeknd, 27, na halos 10 buwan ding naging magkarelasyon. “Justin and Selena recently started speaking,” sabi ng source na malapit kay Selena sa Us. “They realized it was time to grow past their history and move on. They’ve grown up a lot in the past couple of years and are mature about the situation.”

Hindi nagtagal, muling napakilig ng Purpose crooner  ang Disney alum. “Justin really wants to get back with Selena,” unang sinabi ng pangalawang insider sa Us, at sinabi naman ng isa pa na muling naging magkaibigan ang dalawa pagkatapos ng kidney transplant ni Selena nitong unang  bahagi ng  taon. “He has been texting her nonstop and hangs out with her whenever he can.”

Events

Ricky Lee, tinawag na 'rebelde' si Nora Aunor

Naging magkasintahan ngunit away-bati sina Justin at Selena simula 2011 hanggang 2014 bago nitong huli nilang pagbabalikan. Habang magkahiwalay, na-link si  Justin kina Sofia Richie, Paola Paulin, Hailey Baldwin at Kourtney Kardashian, at iba pa. - Us Weekly