Isandaang porsiyentong handa ang Pilipinas na maging punong-abala sa international mathematics contest na 2017 International Teenagers Mathematics Olympiad (ITMO) na idaraos sa bansa sa ngayong linggo.

Nasa 600 delegado mula sa mahigit 20 bansa ang lalahok sa 2017 ITMO sa Nobyembre 8-12 sa Waterfront Insular Hotel at Grand Regal Hotel sa Davao City.

According to Dr. Simon Chua, co-founder ng organizer na Mathematics Trainers Guild-Philippines (MTG), kabilang sa mga bansang kalahok sa ITMO ang China, Australia, Malaysia, Taiwan, South Korea, Indonesia, Bulgaria, Thailand, Singapore, at Vietnam.

Bukod sa sasali sa math contest, ililibot din ang mga delegado sa mga tourist spot sa Davao City. - Jonathan M. Hicap

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'