Ivanka Trump
Ivanka Trump

SINABI ni Ivanka Trump, na ang amang si Pangulong Donald Trump ay nahuli sa  mikropono na nagyayabang tungkol sa panghihipo ng mga babae, sa Tokyo audience nitong Biyernes na ang sexual harassment ay hindi dapat kinukunsinti ng kababaihan, at nanawagang igalang ang mga babaeng  katrabaho.

Ang kanyang talumpati ay may kinalaman sa kaliwa’t kanang headlines sa buong  mundo tungkol sa akusasyon ng sexual harassment laban sa mga kilalang lalaki sa entertainment at pulitika.

Nagsalita sa World Assembly for Women sa Tokyo, sinabi ng anak na baba ng US president na: “All too often, our workplace culture fails to treat women with appropriate respect.”

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“This takes many forms, including harassment, which can never be tolerated,” dagdag  niya.

Nabigyang  pansin ang isyu sa sexual harassment simula nang sumabog  ang akusasyon  laban sa Hollywood producer na siHarvey Weinstein, na sinundan ng paglutang ng mga alegasyon laban sa iba pang sikat at kilalang kalalakihan sa entertainment industry.

Ang defense minister ng Britain ay nagbitiw ngayong linggo dahil sa harassment scandal sa parliament.

Sa video tape ni Trump na lumutang noong nakaraang Oktubre, napanood si Trump na  ipinagmamalaki na natatakasan niya ang kanyang ginawang mga kabastusan.

“When you’re a star, they let you do it,” aniya. “Grab them by the pussy. You can do anything,” dagdag pa ni Trump.

Kasunod nito ay ilang babae ang nag-akusa kay Trump ng sexual misconduct,  na  aniya ay  pawang  kasinungalingan.

Nagtalumpati ang kanyang anak na babae dalawang  araw bago dumating si Trump sa Japan sa  Linggo sa pagsisimula ng marathon Asian tour  nito.

Sinabi ni Ivanka Trump  na ang kababaihan ay  hindi  dapat  husgahan sa ay pnagtatrabaho nila sa bahay o sa opisina.

“Truth be told, on Sunday nights, after a messy and wonderful weekend with my children, I am far more exhausted than on Friday evenings, after a long week of work at the office,”  biro niya. - AFP News