DAVAO CITY -- Haharapin ni Pinoy hard punching Jelbirt Gomera ang walang talong si Omrri “El Rayo” Bolivar ng Venezuela para sa interim OPBF featherweight title sa November 10 sa Puerto Princesa City Coliseum sa Palawan.

Ang Gomera-Bolivar title-fight ay isa sa apat na championships sa boxing card para sa pagdiriwanf ng 55th Oriental and Pacific Boxing Federation (OPBF) Convention sa November 9-12.

Pinangangasiwaan ang 12-rounder championship ni nternational promoter Brico Santig ng Highland Boxing Promotion.

Galing sa panalo ang 25-anyos na si Gomera (12W-4L-0D, 6 KOs) via unanimous decision kontra Eduardo Mancito sa Puerto Princes Coliseum para makamit ang bakanteng Philippine Boxing Federation (PBF) featherweight title noong Disyembre 3.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ngunit, nabigo si Gomera sa sumunod na tatlong laban, kabilang ang pagtatangka niya sa bakanteng OPBF super bantamweight crown bkontra Hidenori Otake nitong March 17 sa Korakuen Hall sa Japan.

Nabigo rin si Gomera, pambato ng General Santos City, kay Korean Nam Joo Lee via unanimous decision sa Suncheon, South Korea nitong Hunyo 24 bago natalo kay Michael Escobia nitong September 2.

Malinis naman ang karta ni Bolivar tampok ang limang sunod na panalo. Kabilang sa panalo ni Bolivar ang TKO kay Filipino Gerry Patenio sa first round sa Bacolod City gayuindin kay Indonesian Ricky Manufoe sa Yong Chan Arena sa Chong Qing, China.

“Bolivar is a dangerous fighter. But Gomera is a tough and more experienced boxer,” sambit ni Santig. - PNA