NAKOPO ni US-based chess master Jasper Rom ang over-all championship sa Open section sa katatapos na Kasparov 15th anniversary Rapid 2017 sa Singapore.

Nakipaghati ng puntos si Rom sa kababayan na si Singapore-based Pinoy Jomel Ortiz sa last round para tumapos ng undefeated na may five points mula sa four wins at two draws sa six-round ten minutes tournament.

Si Rom na orihinal na nakatira sa Cebu at kasalukuyang nakabase sa Maryland, ay certified na United States Chess Federation (USCF) Master. Una niyang tinalo si Samuel Ho sa first round kasunod ng pag draw kay Ethan Poh Xuan Rui sa second round. Tinalo niya sina Richard Lean Boon Cheng, Joel Ong Yi Herng at Kenneth Tan sa mga sumunod na round, ayon sa pagkakasunod.

Sa panig ni Ortiz, active member ng International Churches of Christ (ICOC) sa Singapore ay nakisalo sa second place kay fellow 4.5 pointers Kenneth Tan subalit natalo via tie-break points.Tumapos si Ortiz ng over-all third place.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Mismong sina dating World Chess champion Gary Kasparov, tournament director Ignatius Leong, International arbiters Osric Mooi at Lincoln Yap ng Cebu ang nanguna sa closing rites.

Si Rom ay runner-up din sa Internet Chess Club (ICC) at United States Chess Federation (USCF) Online Blitz Rapid Tournament sa Pittsburg, Pennsylvania, sa Amerika nitong Oktubre 23, 2017. - Gilbert Espeña