HINDI naging problema para sa four-peat seeking National University ang pagkawala ng head coach na si Patrick Aquino upang magapi ang University of the Philippines ,76-35, kahapon sa UAAP Season 80 Women’s Basketball Tournament sa Araneta Coliseum.

Suspindido ng isang laro si Aquino kasunod ng kanyang ejection sa nakaraang laban ng Lady Bulldogs kontra Ateneo Lady Eagles.

“It was a good win for us. We took this game para mag-improve kami. We did not take UP lightly kahit yung standings nila nasa bottom. I told them hindi yan talaga yung strength nila. I just reminded the girls to take care of business today,” pahayag ni NU assistant coach Aris Dimaunahan.

Pinamunuan ni Je-Anne Camelo ang NU sa itinala nitong 14 puntos kasunod ang twin towers na sina Jack Animam at Rhena Itesi na umiskor ng 13 at 12 puntos ayon sa pagkakasunod.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Dahil sa kanilang panalo, umangat ang Lady Bulldogs sa 13-0 , marka at hatakin ang hawak na winning run hanggang 60 games.

“That’s part of this game (na) in preparation for this homestretch. Kailangan namin gawin kung ano dapat ang kailangan naming gawin in this game prior towards dun sa homestretch. I think we did a good job playing today and hopefully madala namin yun into the playoffs,” ayon pa kay Dimaunahan.

Dahil sa kabiguan, nanatiling walang panalo ang Lady Maroons sa loob ng 13 Laban. - Marivic Awitan

Iskor:

(Unang laro)

NU (76) – Camelo 14, Animam 13, Itesi 12, Layug 6, Antiquera 6, Sison 6, Del Carmen 5, Ano-Os 5, Taneza 4, Lopez 2, Harada 2, Cacho 1.

UP (35) – Isip 7, Domingo 7, Pesquera 6, Ordoveza 4, Esplana 3, Ongsiako 3, Lapid 2, Cruz 2, Medina 1, Tan 0, Rodas. 0

Quarterscores: 24-7, 48-11, 64-27, 76-35.

(Ikalawang laro)

AdU (47) – Prado 15, Alcoy 14, Lacson 9, Rosario 7, Villanueva 2, Araja 0, Cacho 0, Cabug 0, Razalo 0, Camacho 0.

ADMU (46) – Deacon 14, Cancio 8, Uy de Ong 7, Yam 6, Joson 5, Newsome 3, Buendia 3, Go 0, Guytingco 0, Villamor 0.

Quarterscores: 13-7, 27-24, 35-31, 47-46.