TALAVERA, Nueva Ecija - Hindi nagawang makapalag ng tatlong hinihinalang sangkot sa panggagahasa makaraang magsagawa ng manhunt operation ang warrant at intelligence section ng pulisya sa Barangay Minabuyoc sa Talavera, Nueva Ecija nitong Huwebes.

Kinilala ang mga suspek na sina Ronald Nicha y Novesteros, 19, binata; Rommel Nicha y Novesteros, 18; at isang 16-anyos na lalaki, pawang residente ng nasabing barangay.

Dakong 5:00 ng hapon, bitbit ng tropa ang arrest warrant para sa kasong rape at pinagdadampot ang tatlong suspek. - Light A. Nolasco

Probinsya

Bangkay ng babaeng binigti umano ng mister, natagpuang nakasilid sa ilalim ng kama!