Ni: Annie Abad

IPINAGPALIBAN muna ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagsasagawa ng Philippine National Games (PNG) sa Cebu City.

Buhat sa orihinal na iskedyul nito na December 10-16 2017, ito ay gaganapin na sa April 15-21, 2018.

Ayon kay PSC Chairman William "Butch" Ramirez, kinailangan nilang iurong ang nasabing palaro upang bigyang daan ang klase ng mga mag-aaral.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

"Classrooms are still being used by the students so ayaw naman namin na makaistorbo sa kanila. And we are making this announcements kasi may mga LGUs na nakakuha na ng tickets nila para sa Cebu," pahayag ni Ramirez.

"It will still be held in Cebu pero mamomove lang games schedule,” aniya.

Samantala, kasabay nito, iniurong din ang pagpapatuloy ng Para Games na kasabay ng pagsasagawa ng PNG.

Ayon kay PSC Commissioner Arnold Agustin, iniurong din ang nasabing palaro sa April sa parehong kadahilanan.

"Para games will be moved from Dec. to April together with the PNG, " ani Agustin.