Ni REGGEE BONOAN

“IIYAK kayo sa Aswang na ito, not the typical aswang movie na kumakain basta ng tao. Ito kasi nahahati siya sa puso ng tao at puso ng aswang,” bungad na kuwento ni Sylvia Sanchez tungkol sa karakter niya sa pelikulang ‘Nay na mapapanood na sa Nobyembre 13-20 bilang bahagi ng Cinema One Originals Film Festival.

sylvia-sanchez copy

Yaya si Ibyang ni Enchong Dee na hindi niya kayang patayin o kainin dahil mahal na mahal niya, kaya ipapasa na lang ni ‘Nay ang kanyang pagiging aswang alaga at magiging pareho na sila.

Totoo bang nangangamatis ang bagong tuling ‘pututoy’ kapag nakita ng babae?

 

“’Yun ‘yung iiyakan ninyo kung bakit naging aswang si Enchong,” biting sabi ni Ibyang.

Marami na nga agad ang natatakot kay Sylvia sa poster pa lang ng ‘Nay dahil ang talim daw ng mga mata niya at mukhang hindi papahuli ng buhay.

 

Excited si Ibyang sa kanyang ikalawang indie film.

“Hindi kasi ako madalas mag-indie, second time ko pa lang ito, nauna ‘yung Sikil (2008). May mga offers before nito (‘Nay), ‘kaso natapat sa schedule ng The Greatest Love (TGL) na everyday ang taping kaya hindi ko kayang gawin,” saad ni Sylvia.

 

Ngayong medyo maluwag na ang schedule ni Ibyang, puwede na siyang tumanggap ng indie projects lalo na kung sa 2018 pa ang shooting.

 

“Sa ngayon kasi kaya na ng schedule ko like itong bagong teleserye na lang namin ni Arjo (Atayde) ang ginagawa ko, plus ‘yung weekend kong Beautederm Caravan sa mga probinsiya,” sabi ng aktres.

 

May dalawang Cinemalaya offer for 2018 kay Ibyang na kailangang niyang pamilian kung alin ang tatanggapin.

“As of now kasi wala pa sa akin ang script, magmi-meeting pa lang kami. Gustung-gusto kong mapasama sa Cinemalaya film festival.”

 

Samantala, isa si Sylvia sa hindi gaanong nakakatikim ng pambabastos o pambu-bully sa social media dahil wala naman ding dahilan.

 

“May mga ilan-ilan din, ‘kaso hindi ko pinapatulan o hindi ko pinapansin ang bashers, wala akong pakialam sa kanila,” diretsong sagot ng aktres nang usisain namin ang status niya sa cyberworld. “Kasi talo ako kapag pinatulan ko sila kasi hindi ko sila kilala, wala silang mukha. Ako lang ‘yung mai-stress. Kaya kung i-bash nila ako, eh, bahala ka diyan, gawin mo kung ano ang gusto mong gawin. Nababasa ko naman sila pero wala akong pakialam sa kanila.”

 

Hindi inilihim ni Ibyang na naapektuhan din siya kapag may bashing sa kanya.

“Siyempre nasasaktan ka ‘pag may ganu’n dahil hindi naman naiiwasan ‘yun, pero ano’ng reason para patulan ko, talo ka, eh. Kung kilala ko sila, sige halika, sa gitna tayo, hatawan tayo,” aniya.

 

Nakakalaki ba ng ulo kapag may pelikulang nag-hit o sunud-sunod na projects, awards at citations? Pagkaraan ng dalawang buwang pamamahinga, may dalawang pelikula siyang ipalalabas ngayong Nobyembre -- ang ‘Nay at angMama’s Girl nila ni Sofia Andres under Regal Films at direksiyon ni Connie Macatuno.

 

“Actually, Reggs para magbida ka, nakakalaki talaga ng ulo, totoo. At para kumita ang pelikula mo, hindi mo maiiwasang hindi lumaki ang ulo at totoo naman ‘yun, pero depende sa ‘yo.Ako kasi kapag ‘pinasok ko lahat sa ulo ko ‘yun at sa puso ko na, ‘ah, kumita ang pelikula ko; ah, star na ako,’ lalaki talaga ulo mo. Pero ‘yun naman ang downfall mo rin kapag hindi mo nahawakang mabuti.

 

“Kasi karamihan talaga yumayabang, karamihan nagiging diva-divahan, nag-iiba ugali.Eh, ako, thank you ako na nag-TGL ako, thank you ako na mayroon akong ibang projects na ako ang bida, pero hanggang doon lang at hindi ko ipinapasok sa ulo ko at sa puso ko.Ini-enjoy ko lang. ‘Wow, okay kasi ngayon ko lang naranasan,’ pero hindi ko ipinapasok sa ulo ko’t isipan ko at sa puso ko. Kaya ‘yung paglaki ng ulo, nas tao ‘yan kung kaya nilang i-handle o hindi,” paliwanag ng aktres.

 Sa loob ng 27 taon ni Sylvia sa showbiz, wala pa kaming narinig na reklamo o sinabihan siyang prima donna ng katrabaho o production people, Kabaligtaran dahil mahal na mahal siya ng mga nakakasama niya sa lahat ng projects niya.