Ni: Annie Abad

TULUYANG nang ibinasura ng Philippine Sports Commission ang usapin hingil sa pagbebenta ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC).

ramirez copy

Ayon kay PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez, nakahanda na ang pamahalaan para sa rehabilitasyon ng RMSC para magamit ng mga atleta, gayundin sa hosting ng Pilipinas sa 2019 Southeast Asian Games.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Wala nang usapan para sa pagbenta. Kasi gusto naman namin na may magamit ang mga atleta natin para sa kanilang pagtetraining and RMSC is the best venue for these athletes,” pahayag ni Ramirez.

“RMSC is ideal for the athletes’s training,” aniya.

Sentro ng usapin ang naging pahayag ng Pamahalang Lungsod ng Maynila para sa pagbebenta ng RMSC sa grupo ni Enrique Razon na nagpaplanong gawing sports-residential-commercial complex ang lugar.

Sa gitna ng usapin, hiningi ng PSC ang P5 bilyon bilang kabayaran sa pamahalaan na siya namang gagamitin para sa pagpapatayo ng bagong sports center sa Clack Air base.

Ngunit, hindi na umusad ang naturang usapin.

“Everything except the Baseball Stadium and Rizal Coliseum, aabot ng 2 billion pesos for the rehabilatio,” pahayag ni Ramirez.

Kabilang sa mga napipisil na venues para sa darating na SEAG 2019 bukod sa RMSC ay ang Philsports, bagaman may iba pa silang venues na gustong magamit, ngunit ayon kay Ramirez ay ayaw nilang pangunahan si DFA secretary Allan Cayetano na siyang chairman din ng organizing committee ng SEAG para sa iba pang venues.

“Ayoko naman na pangunahan si Sec Cayetano, siya pa rin ang mamimili kung aling venues ang pwedeng magamit sa SEAG,” paliwanag ni Ramirez.