Ni: PNA

NAGPAHAYAG ng suporta si Ad Interim Health Secretary Francisco Duque III hinggil sa paggamit ng medical cannabis sa bansa, basta kailangang alinsunod ito sa istriktong regulasyon.

“It is supposed to be for compassionate use, so there must be a very narrow applicability and must be strictly regulated,” sinabi ni Duque nitong Lunes.

Aniya, nakikipag-ugnayan na ang Department of Health sa mga mambabatas hinggil sa teknikal na aspeto ng House of Representatives Bill (HB) No. 180 o ng panukalang Philippine Compassionate Medical Cannabis Act upang maiwasan ang pag-abuso sa paggamit ng medical marijuana.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“There are continuing consultations where we provide them our technical positions in order to ensure that the final version of the law will be clear and acceptable,” ani Duque.

Sinabi niyang nais tiyakin ng Department of Health na kayang isagawa ng Food and Drug Administration (FDA) ang implentasyon ng batas kapag naipasa na ito.

“If it gets approved, the FDA must really do its mandate well, in terms of adhering to the standards of quality, safety, and efficacy, coupled with compliance with all its rules and regulations,” sabi pa ng kalihim.

Inaprubahan ang HB 180 ng lahat ng kasapi ng House committee on health noong nakaraang buwan makaraang konsulatahin ang mga pasyente, advocacy groups, health care practitioners, at mga eksperto sa regulasyon ng controlled substances sa paggamit ng marijuana bilang lunas sa sakit.

Sa nasabing panukala, gagamitin ang marijuana sa paggamot sa malulubhang sakit.

Ayon sa mga tagapagtaguyod ng medical cannabis, maaaring magamot ng marijuana ang epileptic seizures, cancer, multiple sclerosis, pananakit, at glaucoma.