Ni: Jun Fabon

Iniulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagpositibo sa red tide ang ilang baybayin sa Visayas, at nanawagan sa publiko na iwasang kainin ang shellfish mula sa mga apektadong lugar.

Ipinagbabawal ng BFAR sa publiko ang paghahango, pagbili, at pagkain ng shellfish mula sa mga baybayin ng Western Samar at Eastern Samar, Leyte, Palawan at Masbate.

Ayon kay BFAR Director Eduardo Gongona, ang lahat ng shellfish o alamang mula sa nabanggit na mga babayin ay hindi ligtas kainin, bagamat puwedeng kainin ang mahahangong pusit, alimango at hipon.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!