Ni: Anna Liza Villas-Alavaren

Pinayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na umiwas sa EDSA at sa iba pang kalsada na maaapektuhan ng gabing convoy dry-run sa Miyerkules, bilang paghahanda sa Association of Southeast Asians Nations (ASEAN) Summitn ngayong buwan.

Sinabi ni Emmanuel Miro, head ng Task Force ASEAN ng MMDA, na mapeperhuwisyo ang mga motorista sa rutang dadaanan ng convoy sa Miyerkules, simula 1:00 ng umaga hanggang 4:00 ng umaga.

“It will be the sixth and final convoy dry-run. This time, the convoy practice will simulate night-time scenario,” ani Miro.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Aniya, magpapatupad ng modified stop and go scheme sa convoy route mula sa Diosdado Macapagal International Airport sa Clark Freeport sa Pampanga hanggang sa Metro Manila.

“We will clear the affected routes so we advise motorists plying EDSA to use the C5 Road and the Mabuhay Lanes,” sabi ni Miro.

Samantala, sinabi ni Jojo Garcia, MMDA assistant general manager for operations, na pinag-iisipan pa ng ahensiya kung sususpendihin ang number coding scheme sa Nobyembre 13-15, na idineklarang special non-working days sa Metro Manila at sa mga Bulacan at Pampanga.

Sinuspinde rin ng mga alkalde sa Metro Manila ang lahat ng klase sa pribado at pampublikong paaralan sa Nobyembre 16-17.