Ni: Reggee Bonoan

NAGUSTUHAN ng lahat na dumalo sa premiere night ng pelikulang Guerrero ng EBC Films na pinagbibidahan nina Genesis Gomez (bilang si Ramon Guerrero, baguhang boxer) at Julio Cesar Sabenorio (Miguel, batang kapatid ni Ramon).

Ang kuwento ay tungkol sa magkapatid na Ramon at Miguel Guerrero na close sa isa’t isa pero nagkahiwalay nang ma-comatose ng limang taon ang una dahil sa boksing.

Nanlumo si Ramon nang magkamalay dahil nawala na sa piling niya ang mga mahal niya sa buhay tulad ng nanay niyang pumanaw na, ang kasintahan na nag-asawa na sa iba at ang nakababatang kapatid na si Miguel na inampon ng ibang pamilya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nagsikap si Ramon para muling makabangon at ipinangako sa sarili na hahanapin ang kapatid.

Heartwarming at inspirational ang Guerrero na idinirek ni Carlo Ortega Cuevas. Mapapanood na ito sa 57 theater nationwide simula sa Nobyembre 12 dahil ayon sa direktor ay maliit na audience lang ang target ng indie film nila.

Nakilala ang baguhang direktor nang manalo bilang Best Director sa unang pelikula niyang Walang Take Two for best in a Foreign Feature Film International Filmmaker Festival of World Cinema sa London, at Best Cinematography in a Foreign Language Film sa 2016 Madrid International Film Festival.

Nakapag-uwi rin si Direk Carlo ng Jury Award at Best Lead Actress in a Foreign Language Film sa Berlin International Filmmakers’ Festival, Platinum World Award, World Newcomer Filmmaker of the Year, at Golden World Award for International Film sa Jakarta, Indonesia.

Hindi tapos ng filmmaking si Direk Carlo pero sapat na ang mga naging karanasan niya sa ABS-CBN para makabuo ng pelikula.

“Ang una kong project ay ang Krusada (2010-2013); Pinoy True Stories (2012); May Puhunan at Mission Possible. Ibang-iba ang atake ng mga docu kumpara dito sa narrative na tulad ng Guerrero at ‘yung Walang Take Two,” sabi ni Direk Carlo.

Sumali na si Direk Carlo sa INCinema, at, “Sinuwerteng nanalo po ‘yung film na ginawa namin (2014). At nu’ng nanalo ‘yung film, ako ‘yung napiling magdirek ng unang full length film, Walang Take Two.”

Pinapangarap ni Direk Carlo na pagdating ng araw ay makatrabaho ang mahuhusay na artista ng ABS-CBN tulad nina Jericho Rosales at Bela Padilla.

In full support ang mga Kapatid sa Iglesia ni Cristo dahil sila ang nag-facilitate sa okasyon na dinaluhan din ng mga kapatid na artista tulad nina Kristel Fulgar bilang si Ningning ng La Luna Sangre at Richard Quan na nakasama nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz sa seryeng Imortal (2011-2012) bilang isa sa mga bampira.