Ni: Nitz Miralles

MAGKAKAROON ng nationwide telethon ang ABS-CBN para makatulong sa mga bakwit ng Marawi. Ideya nina Piolo Pascual at Direk Joyce Bernal ito, isinangguni kay Robin Padilla na siyang namumuno sa Tindig Marawi.

Piolo Pascual copy

Ipinost ni Robin sa Instagram (IG) ang tungkol dito: “Purihin ang nag-iisang Panginoong Maylikha... Ika-25 ng Oktubre 2017 dalawang araw pagkatapos magbigay ng kanilang donasyon. Ako at nakatanggap ng tawag mula kay Binibining Joyce Bernal 10:00 ng umaga at Ginoong Piolo Pascual 10:30 ng gabi... ika-26 ng Oktubre 2017 6:30 ng gabi sa ABS-CBN naganap ang makasaysayang pagpupulong kasama naming tatlo at ang mga namumuno sa iba’t ibang departamento ng television network. Napagkasunduan ng mga boss sa pamumuno ni Ginoong Piolo Pascual na magsagawa ng isang malawakang telethon para sa mga evacuees ng Marawi. Gagawin daw ito sa programa ng ASAP at isasabay dito ang pagbibigay nila ng tribute sa mga marami evacuees. Isa itong pagpapalakas ng ispiritu ng mga bakwit. Napakahalaga na maramdaman nila ang init ng ating pakikiisa kahit na parang malayo sila sa atin. Tanggapin niyo muli kapanalig na truthful Joyce Bernal at kapanalig na action man Piolo Pascual, ang aming napakalalim na pasasalamat at pagpupugay. Napakabilis ng inyong aksiyon na may kuwenta hindi puro kuwento. Tunay kayong mga Tagalog.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

May nagtanong na fan ni Piolo kung sa P1M na donation ni Piolo sa Marawi, magkano ang galing sa talent fee niya sa pagiging endorser ng Highlands Gold Corned Beef? Halos kasunod ng labas ng TVC ng bagong endorsement ang balitang nakuha na nina Piolo at Direk Joyce ang share nila bilang co-producers ng Kita Kita.

Anyway, panalo ang bagong endorsement ni Piolo dahil marami sa kanyang fans, iniwan na ang nakaugaliang bilhing brand ng corned beef at ang Highlands Corned Beef na raw ang kanilang bibilhin dahil naniniwala sila sa choice at taste ni Piolo.

Naniwala rin sila sa sinabi nitong, “What I like best is that it’s not only made from 100% Pure Beef, it is also made with Angus Beef. Hindi malitid ang Highlands Corned Beed at hindi matabang.”