Ni: Gilbert Espeña

NAGPAKITANG gilas si Genghis Katipunan Imperial matapos magkampeon sa 2nd Non-Master 1975 and Below Elite Chess Mentors Club of the Philippines Tournament nitong Linggo sa SM Angono, Rizal.

Tumapos si Imperial na undefeated sa anim na laro na may limang panalo at isang tabla sapat para kunin ang titulo sa torneo na nilahukan ng 77 chess wiz at inorganisa ni sportsman Gerardo Calderon.

Nakatabla si Ronnie Talastas sa liderato, ngunit nakuha ni Imprerial ang titulo via tie break points.Sa ikaanim at huling laro, nagkasya sa tabla ang laro ni Imperial at ng tumerserang si Noel Sulit habang namayagpag naman si Talastas kontra kay Darvin San Pedro.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nakasama ni Sulit na nakaipon ng 5.0 puntos sina Salvador dela Paz, Alvin Yen at Anthony Avellanada.

Hindi makakalimutan ang achievement ni Imperial matapos tumulong at isa sa mga bigating coach sa Team Philippines na nagwagi ng gintong medalya sa 2015 Iglesia Ni Cristo International Unity Games.