Ni Brian Yalung

MARAMI ang naniniwala na mapapabilang sa first round pick si Davon Potts ng San Beda College sa nakalipas na 2017 PBA Draft. Ngunit, tila naiba ang ihip ng kapalaran para sa 24-anyos mula sa Cebu.

potts copy

Gayunman, hindi na pinakawalan ng Alaska Aces ang pagkakataon nang manatiling available ang 6-foot-2 guard at kaagad na kinuha sa second round. Naniniwala ang Aces na malaki angmaitutulong ng sharp-shoting Red Lion sa kanilang first round pick na si Jeron Teng.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Hindi naman naitago ni Potts ang pagkadismaya – pagiging sixth pick sa second round – bunsod na rin ng tiwala na kabisado na ang kanyang laro ng mga koponan na pinangangasiwaan ni Manny V. Pangilinan, ang ‘Godfather’ ng San Beda basketball.

Ang TnT KaTropa, Meralco Bolts at NLEX Road Warriors ay pawang nag-snab kay Potts.

Gayunman, sumugal sa kanya ang Aces na naghahanap nang papalit sa posisyon na nabakante sa pagreretiro ni Cebuano hotshot Dondon Hontiveros.

“I want to be on a team where I’m needed, not where I’m wanted. I know a lot of teams that would want a player but won’t use them. I don’t want to be in a position where I’m on the bench and not producing,” pahayag ni Potts.