Ni: Marivic Awitan

“Pakiramdam ko ang tanda ko na.”

Ito ang naging reaksiyon ni NLEX coach Yeng Guiao nang personal na isuot kay No.2 pick rookie Kiefer Ravena ang jacket at cap na simbolo nang kanyang pagiging Road Warrior sa PBA.

Ang 23-anyos na si Ravena ay anak ni dating PBA star Bong Ravena – ang sweet-shooting rookie mula sa University of the East na pinili rin ni Guiao sa drafting may 25 taon na ang nakalilipas.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sa aspeto ng laro, inamin ng Road Warriors mentor ang kasiyahan sa pagkakapili sa dating UAAP 2-time MVP at SEA Games 4-time gold medalist.

“He’s the best talent at No. 2,” pahayag ni Guiao.

“Before pa, matagal na siya dapat nag-PBA. “

“Immediate ang impact niya. Hindi na kailangang maghintay ng matagal bago mo mapakinabangan. At saka yung style nya, fit na fit para sa akin, “ aniya.

Bukod dito, hanga rin ang dating Bise Gobernador ng Pampanga sa laro ng nakababatang Ravena. At tiwala siyang gaganda ang takbo ng kanilang team sa pagkadagdag sa Gilas mainstay.

“He’s an intelligent player, with high IQ. Overall, gagaling yung team namin with his presence, ayon pa kay Guiao.

“That’s what intelligent player adds to the team.”

Naniniwala rin si Guiao na magiging maganda ang kumbinasyon ni Ravena at ng isa pa niyang second generation player na si Kevin Alas sa kanilang backcourt.

“Magandang kumbinasyon sila ni Kevin. Meron kaming double K sa backcourt.Pagdating ng future, sa kanila naman ang team na ito. They are the future of this team,” aniya.