NEW YORK (AP ) — Hataw si James Harden sa naiskor na 31 puntos, tampok ang anim na three –pointer, para sandigan ang Houston Rockets sa 119-97 panalo kontra New York Knicks nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Naitarak ng Rockets ang kabuuang 19 three-pointer para tuldukan ang two-game losing skid. Nag-ambag si Ryan Anderson ng 21 puntos.

Nanguna si Tim Hardaway Jr. sa Knicks sa nakubrang 23 puntis, habang nalimitahan si Kristaps Porzingis sa 19 puntos para maputol ang three-game winning streak ng New York. Hataw si Porzingis ng 30 puntos, kabilang ang career-high 38 puntos sa panalo kontra Denver sa huling anim na larong Knicks.

CELTICS 113, KINGS 86

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sa Boston, ratsada sina Kyrie Irving at Jaylen Brown sa nahugot na tig-22 puntos sa panalo ng Celtics kontra Sacramento Kings. Ito ang ikaanim na sunod na panalo ng Boston at ika-11 sunod laban sa Kings,

Nag-ambag si Terry Rozier ng 12 puntos at may 10 puntos si Daniel Theis sa Boston.

Kumana sina Buddy Hield at Zach Randolph ng 17at 16 puntos, ayon sa pagkakasunod para sa Kings.

WOLVES 104, PELICANS 98

Sa New Orleans, naisalpak ni Jimmy Butler ang go-ahead 20-foot jumper at nakakuha ng foul may 34 segundo sa laro para pangunahan ang Minnesota Timberwolves kontra New Orleans Pelicans.

Nagsalansan si Butler ng 23 puntos, habang kumana si Andrew Wiggins ng 18 puntos para sa ikatlong sunod na panalo ng Wolves.

Nanguna si DeMarcus Cousins sa Pelicabs sa naiskor na 35 puntos, habang humugot si Anthony Davis ng 24 puntos at 10 rebounds, at nag-ambag si Jrue Holiday ng 14 puntos.

Sa iba pang laro, ginapi ng Orlando Magic, sa pangunguna nina Evan Fournier na may 22 puntos at Aaron Gordon na may 19 puntos, ang Orlando Magic; naapula ng Utah Jazz ang Portland Trailblazers, 112-103; tinalo ng Denver Nuggets ang Toronto Raptors, 129-111; pinatumba ng Miami Heat ang Chicago Bulls, 97-91.