Ni: Marivic Awitan

HABANG nakasisiguro na ang top two picks na sina Christian Standhardinger at Kiefer Ravena ng maximum multiyear salary deal mula sa San Miguel Beer at NLEX, inaasahan namang hindi nalalayo ang makukuhang kontrata ng mga sumunod sa kanilang picks sa first round ng nakalipas na Rookie Drafting.

rookies copy

Kabilang na rito ang third overall pick ng Blackwater na si Raymar Jose ng Far Eastern,dating La Salle ace Jason Perkins, kinuhang fourth overall ng Phoenix Petroleum, at ang dating King Archer na si Jeron Teng na kinuhang 5th overall ng Alaska.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Nakatakdang bigyan ng offer si Jose ni Elite team manager Johnson Martinez ngayong araw na ito ng suweldong P120,000 kada buwan sa unang taon na aakyat sa P180,000 sa ikalawang taon.

“I would like to see first what he can give us,” pahayag ni Blackwater owner Dioceldo Sy. “There are always additional incentives and we always give premium to players who deliver.”

Mababa rin ng konti sa P150,000/month first year maximum salary, ang makukuha ni Perkins, ayon kay Fuel Masters team representative lawyer Raymund Zorilla. “But he will be very happy, I am sure,” aniya.

Nakatakda pa lamang makipagnegosasyon ang kampo ni Teng sa Aces, pero tiniyak naman ni team manager Dickie Bachmann na hindi rin nalalayo sa maximum ang iaalok nila sa dating UAAP MVP.

Samantala sa kampo pa rin ng Elite, nag-alok na rin sila ng dalawang taong extension ng kontrata na naglalaro sa halagang P10 milyon sa dating Star gunner na si Allein Maliksi na nakuha nila sa isa ring kontrobersiyal na trade sa kalagitnaan ng nakaraang season.