Ni: Gilbert Espeña

NANGAKO si WBO International featherweight titlist Mark “Magnifico” Magsayo na patutulugin ang mapanganib na dating kampeon ng Japan na si Shota Hayashi sa Pinoy Pride 43 card sa Nobyembre 25 sa Wisdom School Gymnasium sa Tagbilaran City sa Bohol.

Pangarap ni Magsayo na ipakita ang kanyang husay at tikas sa harap ng kanyang mga kababayang Boholano at pinagbigyan naman siya ni ALA Boxing Gym big boss Michael Aldeguer.

May kartadang perpektong 17 panalo, 13 sa knockouts, tiniyak ni Magsayo na patutulugin si Hayashi na may kartadang 30-6-1 na may 18 pagwawagi sa knockouts bago hamunin si WBO featherweight champion Oscar Valdez ng Mexico na nagtagumpay sa huling depensa sa dati niyang stablemate na si Genesis Servania kamakailan sa Carson, California.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Nakuha ni Magsayo ang bakanteng WBO International belt sa pagpapatigil kay two-time world title challenger Chris Avalos ng United States sa 6th round nang magsagupa sila noong Abril 23, 2016 sa Cebu City at matagumpay niya itong naidepensa laban kina Ramiro Robles ng Mexico sa puntos at Daniel Diaz ng Nicaragua sa 1st round TKO.

Naging Japanese featherweight champion naman si Hayashi nang talunin sa puntos ang beteranong si Noriyuki Ueno at naidepensa ito minsan kay ex-WBA super bantamweight titlist Akifumi Shimoda bago naagawan ng titulo ni Kosuke Saka via 3rd round TKO.

“Now my dream of showcasing my talent to my fellow Boholanos has come true and I am very excited and honored for this opportunity,” sabi ni Magsayo sa Philboxing.com. “I promise the Boholano boxing fans a great fight and I promise them a knockout victory.”

Naniniwala naman ang trainer ni Magsayo na si Edmund Villamor na sa labang ito makikita kung hinog na ang Bohaloano boxer para sa world title bout.

“Hayashi is an unpredictable opponent, he can slug and box at the same time and he is a busy fighter who has a style which for us is a fitting test if Magsayo is ready for a world title shot,” diin ni Villamor.

Kasalukuyang No. 2 contender si Magsayo kay Valdez na napabagsak ni Servania sa 4thround pero nanalo pa rin sa puntos at No. 7 contender kay WBC featherweight titlist Gary Russel Jr.

“I want to fight Valdez but my promoters decided to give me another test. I am up to the challenge and I can fight any boxer they throw at me,” dagdag ni Magsayo.