Ni: Marivic Awitan

NAUNA nang inasahang mapipili sa top 3 , ikinagulat ng marami ang pagbaba ni Jeron Teng bilang 5th overall pick sa nakaraang 2017 PBA Rookie Draft.

Ngunit, kung siya ang tatanungin, kuntento na si Teng at masaya dahil magkakaroon ng katuparan ang pangarap niyang makapaglaro sa PBA at masundan ang yapak ng kanyang ama at kapatid.

“It doesn’t matter for me… Kahit anong pick ako, magiging happy ako dahil ito talaga dream ko: maging PBA [player] ever since nung bata ako, masundan yung footsteps ng dad ko,” pahayag ng 23-anyos na dating King Archer sa UAAP at maging 5th overall pick ng Alaska.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Happy lang ako na natawag yung name ko and happy ako na napunta ako sa team na maganda yung reputation [like] Alaska,” dagdag ng second-generation cager, “I’m very happy na magiging part ako ng family ng Alaska.”

Ayon pa kay Teng, nakahanda siyang gawin ang lahat upang mapatunayang mayroon siyang lugar sa PBA..

“I have to start from zero. Siyempre mag-start ako sa pinakababa and I have to work for my minutes. If I have to, then I’ll do it, I’ll work hard even more,” ani Teng.

“Gusto ko talaga i-prove sa sarili ko dito sa PBA and that’s what I’ll do.I’ll put more work into it. I’m up for the challenge naman.”

Kabilang sa mga hamon na inaasahang haharapin ni Teng ang makasabay sa larong punung -puno ng enerhiya si Calvin Abueva at maka-adapt sa sistema ni coach Alex Compton.