Ni: Marivic Awitan

HINDI alintana ni Raymar Jose kung saan mang koponan siya mapunta pagkatapos ng draft dahil mas importante ay ang katuparan ng pangarap na makapag -PBA.

top 3 copy

Naging third overall pick sa nakaraang 2017 PBA Rookie Draft matapos kunin ng Blackwater Elite ang reigning PBA D-League Foundation Cup Most Valuable Player.

Human-Interest

ALAMIN: Mga dapat malaman kung paano nga ba maging poll watcher sa eleksyon

Bagama’t mababa ang estado ng Elite, hindi na ito pansin ni Jose dahil higit siyang interesado sa pagkakataong muli silang magkakasama sa iisang team ng dating kakampi sa Far Eastern University na si Mac Belo.

“Masaya ako na magiging kakampi ko siya ulit, kasi [noong] college apat na taon kami magkakasama,” ani Jose , “Tapos ngayon nagkita na naman sa PBA. Sana maganda yung samahan namin; yung bonding namin, maulit namin.

“Pasalamat din ako na nandiyan si Kuya Mac kasi maga-guide niya ako sa pagpasok ko sa team.”

Gaya ni Jose, masaya rin si Belo, na muli niyang magiging kakampi si Jose. “Masaya ako na nagkasama ulit kami ni Raymar. FEU days pa lang, talagang malalim na ang pinagsamahan namin kaya alam kong malaki ang maitutulong nya sa amin,”ani Belo.

“Pagka-graduate ko, ang laki ng inimprove niya. Nadala niya ang FEU sa Final Four, naglaro siya sa ABL. Napaka-laki na ng inimprove niya, kaya alam kong malaki ang maitutulong niya.”