Ni NITZ MIRALLES

NASA taping ng Super Ma’am si Marian Rivera nang lumabas ang post ni Dingdong Dantes sa Facebook na open letter para kay Ronnie Carrasco. Hindi niya alam na nag-post si Dingdong na hindi rin agad nabasa ng press people na bumisita sa naturang taping, kaya hindi namin naitanong ang reaction.

dingdong-marian copy

Ang nilalaman ng post ni Dingdong: “Dear Kuya Ronnie Carrasco, Nakarating po sa akin ang isang article na isinulat mo tungkol sa pangrereklamo diumano sa asawa ko ng kaniyang mga katrabaho. There are more than a hundred people in a TV show production -- almost all are contractual talents, some suppliers, and a very few regular employees of the network. Nagsalita na ang ilan sa co-actors niya disputing your malicious allegations. I say malicious because your statements have not been proven by any reliable source. At kung mayroon ang ganitong kaganapan sa set ng kanilang show, hindi ba’t nararapat na manggaling ito mula sa top executive-on-location?

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

  

Ako mismo ay humingi ng confirmation sa Executive Producer nila na si Nieva Sabit. Ayon sa kaniya, “I’ve worked with Marian Rivera since the phenomenal Marimar that catapulted her to fame. With the many years we’ve shared in this industry, I can confidently attest that she has remained professional, passionate, and always willing to share her creative inputs to her shows. She has always been gracious and well loved in the set. With Super Ma’am, I’ve witnessed how she would willingly perform even then most dangerous stunts and execute each one to the best that she can. And despite the demands of being a mother, she is always willing to adjust to unavoidable production constraints.”

   

Kung mayroong tao na maaaring sumagot tungkol sa kahit anong nangyayari sa set — mula sa cellphone number ng director, hanggang sa kahuli-hulihang pako at tissue na ginagamit sa paglikha ng isang TV show, ito ay ang EP. Now, between this and your “source”, which you can chose to hide, sino ang dapat paniwalaan?

  

Kayo po ay bahagi ng isang respetadong pahayagan kung saan ang mga ibinabalita ay dapat pawang katotohanan at hindi gawa-gawa lamang. Sa ginawa po ninyong ito tila wala kayong pinagkaiba sa mga nagkakalat ng mga maling balitang talaga namang nakakasira ng lipunan.

   

Pero wag po kayong mag-alala, Kuya Ronnie, pinapatawad ko na ang pagkakamaling ito na sa aking pananaw ay resulta lamang, maaari, ng kapabayaan.

  

Subalit ang problema ko po ay ito — nabasa ko rin, mula sa ilang mga artikulo niyo nitong mga nakaraang buwan ang lantarang pang-iinsulto sa aking asawa.

   

Kami po’y mga aktor at normal lamang na mabatikos. Tatanggapin po namin iyon. Ang hindi katanggap-tanggap ay kapag ang batikos o commentary ay hindi objective at constructive, kundi personal at below the belt na umaabot pa sa “name calling.”

   

Sa iyong tono, mukhang matindi ang pait sa puso mo. Hindi ko aalisin sa iyo ‘yan dahil karapatan mo ‘yan. Pero hindi ko hahayaang mabastos ang asawa ko, gamit ang inyong pananalita.

  

Sayang, dahil sa ganitong kalidad ng pagpapahayag ay ibinababa mo ang standard ng entertainment writing. Hindi kasi ganyan ang pagkakakilala ko sa mga Respetadong manunulat na marami sa kanila ay kaibigan ko at tinitingala ko.

  

Lahat naman po tayo ay nagkakamali. Kami man ay may mga pagkakamali rin. Kaya hindi ko po kayo huhusgahan, ngunit, walang sinuman, lalo na sa isang katulad mong may “accountability” sa publiko, ang puwedeng umabuso sa kahit kanino.

Hinding-hindi ko papayagang may umabuso at bumastos sa pamilya ko -- lalo na sa asawa’t anak ko.

  

Malamang marami rin ang mga kabataang sumusubaybay sa iyo. Ito ba ang klase ng pamamahayag na itinuturo dapat sa kanila?

  

Media, aside from providing entertainment, should more importantly be a source of reliable information which can be educational and inspirational.

   

If this is the kind of entertainment you are into, then we do not want to be a part of it. I believe that our audience, our listeners and our readers deserve more, especially the young ones.

  

“Heart over Hate” ika nga sa GMA -- kung saan ka dati kabilang.

    

Respectfully, 

Dong

      

Umani ng papuri si Dingdong sa post niyang ito at pinatutunayan lang nito na mahal na mahal niya ang kanyang asawa, anak at ang kanyang pamilya. May nag-react pa nga na bigyan siya ng kagaya ni Dingdong at sana raw lahat ng asawa ay kagaya ng aktor na ipinagtatanggol ang asawa lalo na kung mga paninira lang at hindi totoo.