Ni: Leandro Alborote

GERONA, Tarlac – Sugatan ang tatlong katao makaraang masangkot sa gitgitan ng motorsiklo sa Manila North Road, Barangay Magaspac sa Gerona, Tarlac, Lunes ng umaga.

Isinugod sa ospital si Alvin Lactaotao, 34, may asawa, driver ng Euro 150 motorcycle; at angkas na si Jessie Lucero, 56, may asawa ng Bgy. Burgos, Paniqui, Tarlac.

Sugatan din ang driver ng Rusi 125 motorcycle na si Noriel Portin, 38, may asawa, ng Bgy. Caturay, Gerona, Tarlac.

Probinsya

10 kaso ng MPOX, naitala sa South Cotabato

Magkasunod umanong tinatahak ng dalawang motorsiklo ang daan patimog nang aksidenteng masagi ni Lactaotao ang motorsiklo ni Portin.