Ni: Aaron B. Recuenco

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald “Bato” dela Rosa na kung siya ang masusunod ay gagawin niyang triple o quadruple pa ang suweldo ng mga pulis sa bansa.

Iyon, aniya, ay kung siya ang presidente ng bansa.

“If you would ask me, it would be more than what the President had said. The President said he would double the salary, I will tell the retirees that if Bato had his way, I will triple it,” biro ni dela Rosa. “Hintayin n’yo maging presidente si Bato… magiging quadruple suweldo ninyo,” dagdag pa ng PNP Chief.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ito ang naging pahayag ni dela Rosa bilang reaksiyon sa usap-usapan umano sa police community na galit sa kanya ang ilang retirado ng PNP dahil hindi nasaklaw ang mga ito ng dagdag-suweldo sa mga pulis.

Ayon sa usap-usapan, naisumite na umano ng PNP sa Malacañang ang position paper na hindi kasama ang mga retirado.

“That is not true, this is still being worked out by our Technical Working Group,” paglilinaw ni dela Rosa.

“Even if we all want the increase, we are still at the mercy of the policies being crafted by Malacanang. If the DBM (Department of Budget and Management) said that they really have no money, what can we do?,” sabi pa ni dela Rosa.