Ni: Bella Gamotea

Nagpatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Flying V, ngayong Martes.

Sa pahayag ng Flying V, epektibo dakong 12:01 ng umaga ngayong Oktubre 31 ay magtataas ito ng 45 sentimos sa presyo ng kada litro ng kerosene at 25 sentimos naman sa gasolina at diesel.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya sa kahalintulad na dagdag-presyo sa petrolyo kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

‘Kaway-kaway mga trentahin at kwarentahin!’ Sikat na Pinoy chocolate, magbabalik na!

Ang bagong price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Oktubre 24 huling nagtaas ng 65 sentimos sa gasolina, 55 sentimos sa kerosene, at 35 sentimos sa diesel ang mga kumpanya ng langis.