Ni: Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY - Mahigit 3,000 pulis ang ikinalat sa mga pangunahing lansangan, bus terminal, at vital installation sa buong Central Luzon bilang bahagi ng “Oplan Kaluluwa 2017” ng pulisya para matiyak ang seguridad at kaligtasan ng publikong dadagsa sa mga sementeryo hanggang bukas, Undas.

Base sa direktiba ni Chief Supt. Amador V. Corpus, direktor ng Police Regional Office (PRO)-3, matinding preparasyon ang kanyang iniutos sa mga city at provincial director sa Bulacan, Pampanga, Tarlac, Bataan, Aurora, Nueva Ecija at Zambales para tiyaking ligtas ang mga dadagsang motorista at biyahero.

Bahagi rin ng direktiba ng PRO-3 na magsagawa ng police focus operation at panatilihin ang mataas na antas ng alertness at vigilance.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito