Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

TOKYO, Japan – Personal na sinaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglagda sa nasa 25 business deal, na nagkakahalaga ng US$6 billion, sa pagitan ng Pilipinas at Japan, kahapon.

Karamihan sa mga nilagdaang kasunduan ay sa larangan ng manufacturing, gaya ng shipbuilding, at iron at steel; agribusiness; elekstrisidad; renewable energy; transportasyon; imprastruktura; mineral processing; retailing; information and communications technology; at information technology-business processing management.

Sinaksihan din ang pirmahan ng kasunduan, kinumpirma ni incoming Presidential Spokesperson Harry Roque na may 25 kasunduan sa pagitan ng mga kumpanyang Pinoy ay Japanese ang nilagdaan kahapon.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

“I witnessed the signing. Marami naman diyan with the big multinational corporations and of course the counterpart are Filipino giant corporations as well,” sinabi ni Roque sa Malacañang reporters sa Tokyo.

“Pero kung ‘di ako nagkakamali, there were at least 25 agreements that were witnessed by the President today,” dagdag niya.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, nakipagpulong si Pangulong Duterte sa ilang kumpanyang Japanese at sinaksiha ang ilang pirmahan ng business-to-business Memoranda of Understanding (MOU), at Letter of Intent on Investment plans, joint ventures, at pagpapalawak ng mga operasyon sa Pilipinas.

“PRRD strengthened our bilateral trade and investment relations. Total new investments of USD 6 billion,” saad sa text message ni Lopez sa mga mamamahayag.

Enero ngayong taon nang mangako ang Japan ng Y1 trillion halaga ng ayuda ng pamahalaan nito sa Pilipinas sa susunod na limang taon.