Christian Standhardinger, left, drafted with the No. 1 pick by the San Miguel Beermen, and Kiefer Ravena, chosen No. 2 overall by the NLEX Road Warriors, pose during the PBA Rookie Draft yesterday at Robinsons Place in Ermita, Manila. (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)

PORMAL na napasakamay ng San Miguel Beer si Fil-German Christian Standhardinger bilang No.1 pick sa ginanap na PBA Rookie Drafting kahapon sa Robinson’s Place sa Manila.

Nakuha ng SMC ang 6-foot-10 Gilas Pilipinas member mula sa napagkasunduang trade sa KIA. Marami ang tumuligsa sa naturang trade, ngunit, naselyuhan ito nang hilingin ni PBA Commissioner Chito Narvasa na baguhin ang laman ng kontrata.

Napili naman ng NLEX bilang No.2 si Ateneo star Kieffer Ravena.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Masaya po ako dahil natupad ko ang pangarap ng tatay ko na makalaro sa PBA at under pa kay coach Yeng Guiao,” pahayag ni Ravena, patungkol sa ama na si Bong Ravena na naging player din ni Guiao may 25 taon na ang nakalilipas.

Ang 6-foot-4 forward na si Raymar Jose ang kinuha ng Blackwater bilang No.3, habang si La Salle stalwart Jayson Perkins ang No.4 sa Phoenix at napunta si Gilas member Jeron Teng sa Alaska bilang No.5 pick.

Kinuha naman ng Global Port bilang No.6 ang Fil-Am na si Robert Herndon Jr; No. 7 sa Rain or Shine si dating Letran champion standout Rey Nambatac at No. 8 sa Phoenix si Nigerian-born Sidney Onwubere.

Pumaling ang Star Hotshots kay 6-foot-5 Lervin Flores ng Fatima University bilang No.9; si Mark Tallo ang pinili ng Talk ‘n Text bilang No.10. - Marivic Awitan