Ni LITO T. MAÑAGO 

NAGSIMULA ang TV career ni Betong Sumaya noong 1996 bilang production assistant o PA sa programang The Probe Team ni Cheche Lazaro.

Ang  deskripsiyon ni Betong sa nature ng kanyang trabaho bilang PA, “Transcriber at nagbo-book ng interview.” 

Pero dahil sa sipag at tiyaga, naging executive producer (EP) siya ng Day Off ng QTV News TV 11 (now GMA News TV).

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Betong at Solenn
Betong at Solenn
Noong 2011, naisipan niyang mag-audition sa second edition ng Survivor Philippines: Celebrity Double Showdown na siya ang itinanghal na Sole Survivor. And the rest is history, ‘ika nga. 

Mula roon, napabilang siya sa longest-running gag show na Bubble Gang topbilled by Michael V. at naging instant hit sa TV audience ang character niyang Antoinetta. 

“Sobra po, sobra,” tugon niya nang banggitin naming umalagwa ang showbiz career niya dahil sa Survivor Philippines.

“Nagbukas ng maraming doors and opportunities ‘yung Survivor. Dahil sa programa, nasa Bubble Gang po ako,” kuwento ng co-host ni Solenn Heussaff sa musical game show na All-Star Videoke na napapanood tuwing Linggo ng gabi pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

Bilang host, ayon kay Betong, “Nabigyan uli ng bagong direksiyon ang career ko. And sana po tumagal talaga ‘yung show.”

Ang malaking bahagi raw ng premyo niya sa Survivor Philippines at sa mga talent fee niya sa iba’t ibang programa sa GMA Network ay nailaan niya sa mga utang.

“Pinaka sa akin ‘yung nabayaran ko ‘yung mga utang - credit card, bahay- kasi first time kong makahawak ng malaking pera so, inuna muna ‘yung mga dapat unahin. 

“Nakabili rin ako ng second hand na kotse na ibigay ko sa family ko at bumili ng condo na malapit lang sa GMA. Hinuhulugan pa pero at least, meron akong pang-down. May pambili ng mga bagong appliances. Ang importante, nabayaran ko ‘yung mga utang ko.”