NIREGALUHAN ni General Manager Balutan ang isang bata na nakatanggap ng tulong sa kanyang operasyon sa atay.
NIREGALUHAN ni General Manager Balutan ang isang bata na nakatanggap ng tulong sa kanyang operasyon sa atay.

Ni Edwin Rollon

EKSAKTONG 83 taon ngayon nang magsimula ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa isang misyon: makapag-angat ng pondo para matustusan ang iba’t ibang programa ng pamahalaan sa edukasyon at kalusugan.

Taong 1934 nang itatag ang PCSO -- sa pamamagitan ng paglagda ng Pangulong Manuel L. Quezon sa Act No. 301 para maisabatas ang isinulong ng noo’y Philippine Legislature na palitan ang National Charity Sweepstakes.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kabilang sa mga natutulungan noon ng PCSO ang Philippine Amateur Athletic Federation (PAAF), the Philippine Tuberculosis Society (PTS), the National Federation of Women’s Clubs, the Association de Damas de Filipinas, the Gota de Leche, the Associate of Manila and the Provinces, the Philippine Council of Boy Scouts of America, the Asilo Para Invalidos de los Veteranos de la Revolucion, the Child Welfare Center at iba pang institusyon na nagsasagawa ng pagtulong sa mga abang Pilipino.

Sa kasalukuyan, patuloy ang ahensiya sa misyon na matulungan ang mga mamamayan na nasa lusak nang kahirapan at sa pagkakataong ito hindi lamang sweepstakes bagkus Lotto at Small Lottery Draw (STL) ang pinagkukunan ng pondo ng PCSO upang maipagpatuloy ang paglilingkod sa bayan at mas maraming Pilipino ang makatanggap ng tulong pangkalusugan.

Ang pamunuan ng PCSO sa kasalukuyan ay agresibong isinulong ang pagpapataas ng revenue collection at pinalawak pa ang mga serbisyong kawanggawa para sa mga mamamayang Pilipino, partikular yaong nasa malalayong lalawigan.

‘We have increased almost all aspects of our operations,” ayon kay PCSO General Manager Alexander Balutan.

“We have increased our revenues, our branches, services, and especially our number of beneficiaries since we assumed office under President Duterte.”

“Ang PCSO ay on the rise dahil ang kita ay lumalaki, kaya namin nadagdagan ang alokasyon para sa aming Individual Medical Assistance Program (IMAP) na kung saan ay ang pondo na ginagamit ng aming mga sangay para sa kapakinabangan ng ating mga kababayan,” pahayag ni Balutan.

Iginiit naman ni PCSO Chairman Jose Jorge Corpuz, na mas maraming Pilipino ang makikinabang, higit at patuloy ang pagtaas ng kita ng ahensiya bunsod nang mas pinalawak at pinatibay na programa ng Small Town Lottery (STL).

Ang matibay na pakikipagtulungan din ng Philippine National Polce (PNP) at Local Government Units (LGU) ang naging susi upang unti-unting masawata ang ilegal gambling game (jueteng) at ituon ng pagsuport sa STL.

“Nadagdagan ang bilang ng aming mga sangay sa bilang na 60, kaya maraming Pinoy ang maaaring makinabang mula sa aming pinalawak na Small Town Lottery (STL),” pahayag ni Corpuz.

Sa ilalim ng administrasyon ng Pangulong Duterte, napalaki ng PCSO ang kita dahil sa pagpapalawak ng operasyon ng Small Town Lottery (STL) ngayong taon, na mayroon na ngayong 92 Authorized Agent Corporations (80 na ngayon ang kasalukuyang nagpapatakbo) sa buong bansa at ngayon ay kumikita na ng P1.5 bilyon kada buwan.

“Ang pagpapalawak ng operasyon ng STL ay nakatulong ng malaki sa ahensya na dagdagan ang pondo nito at libu-libong tao ang nakikinabang dito para sa tulong medikal na kanilang hinihingi mula sa PCSO,” pahayag ni Balutan. “Pinatunayan ng PCSO ang dedikasyon nito sa pagtupad sa kanyang mandato sa pagtulong sa mga taong nangangailangan.”

“Kami ay nakapagtaas ng aming target revenues sa taong ito sa P46.62 bilyon mula P37 bilyon noong nakaraang taon. Inaasahan namin na maaabot namin ito bago magtapos ang taon,” aniya.

“Hindi kami titigil sa ating programa,” sambit ni Corpuz.

“Patuloy kaming gumagawa ng mga paraan upang mas mapabuti pa ang aming kita at mga serbisyo para mas higit pa na makatulong sa ating mga kababayan.”

Ayon kay Corpuz, mas paiigtingin pa ang mag programa para madagdagang ang mga ahente na magpapatakbo ng Lotto at STL sa buong bansa.

Tunay na mula noon, hanggang ngayon laging maasahan ang PCSO na may puso para sa masang Pilipino.