Tumataginting na P250,000 ang nakuha sa isang fastfood restaurant sa pag-atake ng tatlong maskaradong lalaki sa kahabaan ng Congressional Avenue sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa guwardiya ng establisyemento, si Gerry Falseco, na magsasara na sila nang dumating ang isang puting van at pumarada sa tapat ng gusali.

Tatlong armadong lalaki, na pawang nakasuot ng maskara at gloves, ang bumaba mula sa sasakyan at tinutukan ng baril si Falseco.

Sinabi ng guwardiya na isa sa mga suspek ang nagsabi sa kanila na dumapa at huwag silang tingnan.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Habang nakadapa ang lahat ng crew, ang store manager, si Emelaine Legaspi, ay nasa vault area at ipinapasok ang kanilang kinita para sa araw na iyon.

Gayunman, nang isasara na niya ang vault, isa sa mga suspek ang humatak sa kanya at tinutukan siya ng baril at sinabing pera lang ang kailang nito.

Kinuha ng mga suspek ang P250,000 cash at apat na cell phone ng mga crew na nagkakahalaga ng P37,000.

Mabilis na nagsitakas ang mga suspek sakay sa van habang ang dalawang iba pang lalaki, na nagsilbing lookout, ay humarurot sakay sa motorsiklo.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. - Alexandria Dennise San Juan