Nakatakdang igawad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Order of Sikatuna sa namayapang si dating Japanese Prime Minister Honorable Takeo Fukuda.

Igagawad ni Duterte, darating sa Tokyo madaling araw ng Lunes, ang nasabing Philippine national order of diplomatic merit sa Martes, sa huling araw ng kanyang biyahe.

Si Fukuda ay ang ika-42 na Japanese Prime Minister na nagsilbi mula Disyembre Z 24, 1976 hanggang Disyembre 7, 1978. Namatay siya sa chronic emphysema sa ospital ng Tokyo Women’s Medical College noong Hulyo 5, 1995 sa edad na 90.

Iginagawad ang Order of Sikatuna sa mga indibidwal na nagbigay ng katangi-tangi at kapuri-puring serbisyo sa Pilipinas. Ito ay kinabibilangan ng mga diplomat, opisyal, mamamayan ng banyagang bansa na nagbigay ng kapansin-pansing serbisyo sa pagtataguyod, pagbubuo at pagpapalakas sa relasyon ng kanilang bansa at ng Pilipinas.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Bago kay Fukuda, iginawad din ang Order kina Kiyoshi Sumiya, Japanese Ambassador to the Philippines; Akihito, Crown Prince ng Japan; Japanese Prime Minister Shinzo Abe; at Japanese Emperor Hirohito.

Kamakailan ay iginawad ni Duterte ang Sikatuna kay Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhide Ishikawa para sa kanyang tatlong taong serbisyo.

Samantala, habang nasa Japan ay inaasahang tatalakayin nina Pangulong Duterte at Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang mga isyu sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon partikular sa Korean Peninsula, ekonomiya at mga usaping pang-seguridad sa ng Pilipinas at Japan.

Makapulong din ni Duterte ang iba pang matataas na opisyal ng Japanese government kabilang sina Japanese Foreign Minister Taro Kano, JICA President Shinichi Kitaoka at Mr. Katsuyuki Kawai, special advisor ni Abe, at mga miyembro ng House of Representatives.

Kasama sa delegasyon ng Pangulo sa Japan sina Department of Foreign Affairs (DFA) Alan Peter Cayetano, Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana, Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez at bagong talagang Presidential Spokesperson Harry Roque. - Argyll Cyrus B. Geducos at Bella Gamotea