Ni: Francis T. Wakefield

Sumuko sa militar sa Abra ang isang aktibong miyembro ng New People’s Army (NPA) nitong Huwebes.

Kinilala ni Lt. Col. Isagani G. Nato, hepe ng Public Information Office ng Armed Forces of the Philippines-Northern Luzon Command (AFP-NoLCom), ang sumukong rebelde na si Eugene Agdap, alyas “Ka Itan”, “Ka Rense”, at “Ka Berting”, 33, binata, at taga-Abra.

Ayon kay Lt. Col. Nato, sumuko si Agdap sa tropa ng 24th Infantry Battalion, 7th Infantry Division ng Philippine Army sa Sitio Barbarit, Barangay Tagodtod sa Lagangilang, Abra.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Si Agdap ang squad leader ng Kilusang Larangan Gerilya (KLG) Montes, sa ilalim ng Ilocos Cordillera Regional Committee (ICRC).