Ni Charina Clarisse L. Echaluce
Ang batang multo na sinasabing naglalaro sa iyong bahay – o ang naglilibot sa opisina o naglalaro sa parke—ay maaaring hindi kaluluwa ng bata kundi espiritu ng demonyo, babala ng paranormal expert.
Sa panayam sa Balita, sinabi ng paranormal investigator na si Jade Martin na karaniwan nang nag-aanyong inosenteng bata ang demonyo.
“In more than three decades of being a paranormal investigator, I started at the age of nine, I often notice that in most places I’ve investigated, there are certain spots where a ghost of a child is prevalent. Whenever I hold tours and give lectures I would always tell people that I am skeptic when it comes to ghosts appearing as kids,” sabi ni Martin.
Sinabi niyang ang mga bata – maging ang mga multo – ay madaling makakuha ng simpatya mula sa mga tao.
“Children appear harmless, they easily get sympathy and we often see them as angels. But always remember that evil spirits can disguise themselves as angels of light to deceive people,” paliwanag niya.
At kapag nakuha na ng demonyo ang simpatya ng kanilang target, aatake na ito anumang oras.
“’Yung iba naghahanap ng mabibiktima. Probably, para i-drain, ‘yong iba ipo-possess,” sambit ni Martin.
Sa kabilang dako, may ilan namang demonyo na gusto lamang makipaglaro at manakot ng tao.
“The only reason why ghosts still linger is their attachment to this world like unfinished businesses, loved ones they can’t let go, desire for justice, and so on. Kids usually don’t have much attachments yet like we adults do, that is why they easily move on when they die,” paliwanag ng paranormal expert.
“Typical na bata [nakapagpapatawad kaagad]. ‘Di ba sabi nga ni Jesus be like a child? Kasi they don’t hold grudges,” dagdag pa ni Martin.