HINDI na pinaporma ng La Salle Archers ang University of Santo Tomas Tigers tungo sa dominanteng 94-59 panalo kahapon at masiguro ang ‘twice-to-beat’ advantage sa Final Four ng UAAP Season 80 men’s basketball tournament sa MOA Arena.

Ratsada ang Green Archers sa 14-0 run para iwan ang Growling Tigers sa 25-8 sa second period tungo sa 35 puntos na abante at ika-10 panalo sa 12 laro. Sa unang pagtutuos sa elimination,nagwagi ang La Salle tangan ang 29 puntos na bentahe.

NAKUBABAWAN ni Abu Tratter ng La Salle sina Jeepy Faundo at Carlos Escalambre ng University of Santo Tomas  sa labanan sa rebound sa kainitan ng kanilang laro sa UAAP Season 80 men’s basketball second round kahapon sa MOA Arena. Nagwagi ang Archers.  RIO DELUVIO
NAKUBABAWAN ni Abu Tratter ng La Salle sina Jeepy Faundo at Carlos Escalambre ng University of Santo Tomas sa labanan sa rebound sa kainitan ng kanilang laro sa UAAP Season 80 men’s basketball second round kahapon sa MOA Arena. Nagwagi ang Archers. RIO DELUVIO
Nangunguna ang mahigpit nilang karibal na Ateneo tangan ang 11-0 karta.

Humugot si Ricci Rivero ng siyam na puntos sa matikas na second period run ng La Salle para maisara ang halftime sa 45-24.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Tuluyang nabaon ang Growling Tigers sa 0-12 karta.

Hataw si Ben Mbala sa nakopong 17 puntos, siyam na rebounds at tatlong blocks, habang kumubra si Rivero ng 16 puntos at pitong rebounds.

Nanguna sa UST si Marvin Lee sa naiskor na game-high 24 puntos.

Samantala, iginupo ng University of Santo Tomas Tigers ang University of the Philippines, 78-63, para makuha ang solong ikalawang puwesto sa UAAP Season 80 women’s basketball tournament.

Kumubra si Bets Peñaflor sa naiskor na 15 puntos at siyam na rebounds sa kanyang pagbabalik-aksiyon matapos ang isang larong suspension para mahila ng Tigresses ang karta sa 10-2.

Umusad ang UST sa pangatlong University of the East (9-2) para sa labanan sa twice-to-beat semifinals.

Ginapi naman ng Adamson University, sa pangunguna ni Nathalia Prado na tumipa ng 21 puntos at 19 rebound, ang De La Salle, 67-60.

Tangan ang 5-7 karta, nabuhayan ang kampanya ng Lady Falcons na makausad sa susunod na round. Nakabuntot ang Lady Falcons sa Far Eastern University Lady Tamaraws (5-6) para sa labanan sa No.4 slots.

Nanguna sa Lady Archers si Khate Castillo na may 28 puntos mula sa 8-of-22 shooting sa three-point area.

Iskor:

La Salle 94 – Mbala 17, Ri. Rivero 16, Go 12, P. Rivero 10, Tratter 8, Caracut 7, Melecio 6, Santillan 6, Capacio 5, Baltazar 4, Montalbo 2, Paraiso 1, Tero 0, Gonzales 0.

UST 59 – Lee 25, Akomo 14, Sta. Ana 4, De Guzman 4, Basibas 4, Escalambre 4, Macasaet 2, Soriano 2, Faundo 0, Caunan 0, Romero 0, Kwawukumey 0.

Quarterscores: 20-16; 45-24; 77-41; 94-59.