Ni: Liezle Basa Iñigo

MANGATAREM, Pangasinan - Humabol pa sa Undas ang tatlong katao, makaraang maglason ang isang mister kasunod ng pananaga at pagpatay niya sa kanyang misis at sa kalaguyo nito, sa Barangay Casilagan sa Mangatarem, Pangasinan.

Sa report ng Pangasinan Police Provincial Office, namatay sina Eduardo Sacopla, tricycle driver, residente ng Bgy. Bueno; at Margie Doque, ng Bgy. Casilagan matapos silang pagtatagain ni Roberto Doque, 55 anyos.

Nabatid na dakong 7:58 ng gabi nitong Biyernes nang naaktuhan umano ni Roberto sa kama sina Eduardo at Margie, sa ikalawang palapag ng bahay ng mga magulang ng ginang, at pinagtataga sa labis na galit at selos.

Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!

Pagkatapos ng pananaga, umuwi sa kanilang bahay ang suspek at lumaklak ng pestisidyo, na ikinamatay niya.