Ang panukalang joint oil exploration ng Pilipinas at China sa Palawan na naghihintay na lamang ng lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi isang joint development (JD) agreement, ayon sa maritime expert na si Dr. Jay Batongbacal, ng University of the Philippines’ Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea (IMLOS).

Ang tinutukoy ni Batongbacal ay ang service contract (SC) 57 malayo sa pampang ng Calamian northwest ng Palawan na sumasakop sa lugar “outside of China’s 9-dashed lines/historic rights claim area.”

“In the WPS (West Philippine Sea), China’s claim has already been declared by an international tribunal to be invalid, and hence, the fundamental condition for JD (overlapping legitimate claims) is absent,” ani Batongbacal sa panayam ng political analyst at Manila Bulletin columnist na si Richard J. Heydarian.

Sa desisyon noong Hulyo 12, 2016, nagpasya ang Permanent Court of Arbitration (PCA) sa Hague na ang Pilipinas ang natatanging may eksklusibong karapatan sa WPS at imbalido ang “nine-dash line” ng China.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“There is therefore no dispute that it is within the Philippines’ jurisdiction,” aniya.

Ipinaliwanag ni Batongbacal na ang joint development sa alinmang bahagi ng mundo ay palaging binibigyang-katwiran at ginamit para tugunan ang mga lehitimong iringan “in the sense that both sides could legally claim EEZ/CS unilaterally, but their claims overlapped.”

Sa legalidad ng proyekto, sinabi ni Batongbacal na ang pagbili ng China National Offshore Oil Corporation (CNOOC) ng 51% ng stake sa SC 57 ay pinapayagan sa ilalim ng kasalukuyang batas.

Sa ngayon, sinabi ni Batongbacal na walang paglabag sa saligang batas o paglabag sa batas ang pagbili ng CNOOC ng stake sa service contract para sa isang lugar na hindi pinagtatalunan, “whether they be located on land, or, alternatively, at sea.”

Ngunit nagbabala siya na ang JD agreement ng Pilipinas sa China “will not be consistent with the Award nor with United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

“It can only be justified as a purely political accommodation, not a legally-warranted arrangement. However, if the Philippines makes the political accommodation, it can contradict its legal position as affirmed by the arbitration,” aniya. - Roy C. Mabasa