Asahan ang isa pang oil price hike ngayong linggo.

Sa taya ng Department of Energy (DoE), posibleng tumaas ng 40 hanggang 50 sentimos ang presyo ng kada litro ng kerosene, 25 hanggang 35 sentimos sa diesel at 20 hanggang 30 sentimos naman sa gasolina.

Ang napipintong dagdag-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Sa datos ng DoE, ang bentahan ng gasolina ay naglalaro sa P41.40 hanggang P51.50 kada litro, habang P30.40-P39.10 naman ang diesel. - Bella Gamotea

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga