Ni SAMUEL P. MEDENILLA
Pagtuunan ang kabanalan kaysa makamundong alalahanin.
Ito ang panawagan ni Fr. Rolando Arjonillo, administrator ng Catholics Striving for Holiness (CSH), sa mga mananampalataya sa bisperas ng All Saints’ Day bukas.
Sa halip na ipagdiwang ang Kristiyanong kapistahan sa pagkukunwaring mga demonyo at masasamang nilalang, sinabi ni Arjonillo na dapat pagnilayan ng mga tao ang kanilang “divine calling.”
“Halloween, All Saints’ Day, and All Souls’ Day are not only occasions when we should be reminded of our earthly life’s fleeting state – the reality of death, of our particular judgement, of heaven, purgatory and of hell, but also the time when the Church beckons us to reflect on the meaning and purpose of our existence and of our divine calling to eternal happiness made possible by living a holy earthly existence,” ani Arjonillo sa artikulo na inilathala sa news website ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).
Sinabi ni Arjonillo na magpapahintulot ito sa mga mananampalataya na sundan ang halimbawa ng Christian Saints para mapagtagumpayan ang mga kasalanan at masumpungan ang walang hanggang kaligayahan.
Inilabas niya ang paalala upang iwasan ang ang popular na tradisyon ng mga Kanluraning bansa sa pagdiriwang ng Halloween, sa pagdadamit bilang modern icons.
Inilarawan ito ni Arjonillo na “banalized and commercialized meaning of Halloween.”
Sa nakalipas ay naglabas din ng parehong pahayag ang CBCP laban sa nasabing gawain, ayon dito ay nagmula sa mga pagano.