Cast ng 'Spirit of the Glass 2'
Cast ng 'Spirit of the Glass 2'

TAHIMIK ang buong SM Megamall Cinema 12 habang ginaganap ang celebrity premiere night ng horror movie na Spirit of the Glass 2: The Haunted. Pero kapag nakatatakot na ang eksena, maririnig ang tilian, may mga nagtatakip ng mukha, mayroong hinahampas ang katabi.  

Sa kabuuan, maganda ang istorya ng pelikula na idinirihe ni Jose Javier Reyes at produced ng OctoArts Films at T-Rex Ententainment.

Kitang-kita ang kahusayan ng lead actresses na sina Cristina Reyes, Maxine Medina, Ash Ortega at si Terry Malvar, at special mention talaga si Janine Gutierrez.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Napatunayan na ni Cristine na mahusay siyang actress. Pero si Maxine, for a newcomer, mahusay din. Bagay sa kanya ang role ng isang sikat na artista. Natural na natural ang pagdi-deliver niya ng dialogues at pag-arte, hindi mo nga iisipin na first movie niya ito at first time lang niyang umaarte.

Mahusay din ang teenage actress na si Ashley Ortega. Maging noon pa mang baguhan si Ashley sa soaps ng GMA-7, carry na niya ang kahit na anong role ang ibigay sa kanya. At si Terry Malvar, ilang acting awards na ang natanggap niya sa mahusay na acting niya.

Pero ang talagang mapapansin sa story at sa kahusayan sa pag-arte, si Janine Gutierrez. Although sabi ay guest lang siya sa movie, sa kanya umikot ang istorya ng pelikula. 

Lahat sila tumanggap ng mga papuri mula sa mga nanood pagkatapos ng screening. Kahit ang parents ni Maxine ay tumanggap ng congratulations para sa Binibining Pilipinas-Universe 2016 sa mahusay niyang pagganap.

Ayaw naming i-preempt ang istorya kaya hindi kami magdedetalye.

Mamayang gabi, gaganapin ang Halloween premiere ng movie sa SM Megamall 7. Inaasahang darating ang guests in their best, scariest and most creative Halloween costume at magkaroon ng chance na manalo ng prizes from the producers of the movie like ng mobile phones, cash prizes and trips to Boracay and Palawan. Kailangan lamang mag-register sa venue ang gustong makasali sa raffle, from 3:00 – 5:00 PM.

Kasama rin sa cast sina Benjamin Alves, Daniel Matsunaga, Enrico Cuenca, Aaron Villaflor at Dominique Roque. Mapapanood na ito in cinemas nationwide simula sa Wednesday, November 1, 2017.  

Sabi sa finale ng movie: “Halika, laro tayo.” --Nora Calderon