Ni: Anthony Giron

IMUS, Cavite – Pansamantalang mapuputol ang supply ng tubig sa ilang lugar sa Bacoor at Imus simula ngayong Lunes, Oktubre 30 hanggang sa Martes, Oktubre 31, bisperas ng Todos los Santos.

Sinabi ng Maynilad Water Services, Inc. na makararanas ang mga kustomer nito ng “low pressure (condition) up to no water service” sa ilang barangay sa magkalapit na distrito sa nasabing mga petsa.

Pinakamaraming barangay na mawawalan ng tubig sa kabisera ng lalawigan, ang Imus.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabihan na ng Maynilad ang mga consumer nito na mag-ipon ng sapat na tubig kaugnay ng ilang oras na water service interruption.

Ang kawalan ng supply ng tubig ay dahil sa upgrade ng mga pasilidad ng Putatan Water Treatment Plant sa Muntinlupa City.

Sa advisory, sinabi ng Maynilad na magkakabit ito ng “new reverse osmosis assemblies” sa planta ngayong Lunes.

Ilan ding barangay sa Muntinlupa, Las Piñas, at Parañaque ang mawawalan ng supply ng tubig ngayon hanggang bukas ng hapon.

Ayon sa Maynilad, mawawalan ng tubig sa mga barangay ng Molino II, III, at VII, Queens Row Central East at West; at San Nicolas III sa Bacoor simula 5:00 ng umaga ngayong Lunes hanggang 1:00 ng hapon bukas, Oktubre 31.

Sa Imus, mawawalan ng tubig simula 5:00 ng umaga hanggang 11:50 ng gabi ngayong Lunes, at simula 3:00 ng umaga hanggang 11:59 ng gabi sa Martes.

Apektado ng water service interruption ang mga barangay ng Anabu 1-A hanggang 1-F; Anabu II-A hanggang II-F; Bayan Luma I hanggang IX; Bucandala I, II, IV, at V; Carsadang Bago I at II; Malagasang I-A hanggang I-F; Malagasang II-A hanggang II-E at II-G; Poblacion I-A hanggang I-C; Poblacion II-A; Poblacion III-A at III-B; Poblacion IV-A hanggang IV-D; Tanzang Luma I-Vi; at Toclong I-A hanggang I-C.