Ni: PNA

PUERTO PRINCESA CITY - Siyam na oras na mawawalan ng kuryente ang mga sineserbisyuhan ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) sa 29 sa kabuuang 66 na barangay sa Puerto Princesa City ngayong Lunes.

Ayon kay PALECO Spokesperson Vicky Basilio, ipatutupad ang power service interruption dahil kailangang ilipat ng lugar ang tatlong poste ng kuryente na kasalukuyang nasa Barangay San Manuel.

Simula 6:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon ay mawawalan ng kuryente ang mga barangay ng San Manuel, San Jose, Tagburos, Sta. Lourdes, Bacungan, Sta. Cruz, Salvacion, Bahile, Macarascas, Manalo, Maryugon, Lucbuan, Maoyon, Babuyan, San Rafael, Tanabag, Concepcion, Binduyan, Langogan, Tiniguiban, Sta. Monica, Sicsican, Irawan, Iwahig, Montible, Napsan, Sta Lucia, Luzviminda, at Mangingisda.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente