Aabot sa 50 pamilya ang nawalan ng bahay sa pagsiklab ng apoy sa isang residential area sa Paco, Maynila kahapon.

Sa ulat ng Manila Fire Department, nagsimulang sumiklab ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay na pagmamay-ari ng isang Rosalinda Aboleda, na matatagpuan sa 1238 H. Santiago Street sa Paco, na sakop ng Barangay 684, malapit sa kanto ng Pedro Gil Street, bandang 8:58 ng umaga.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay na pawang gawa sa light materials.

Nahirapan umano ang mga pamatay-sunog na apulahin ang apoy dahil kinakailangan pa nilang tumawid ng creek, kaya umabot pa ito sa ikaapat na alarma ang apoy bago tuluyang idineklarang under control bandang 10:18 ng umaga.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Walang iniulat na nasugatan sa insidente habang inaalam pa ang sanhi ng sunog na tumupok sa P100,000 halaga ng ari-arian. - Mary Ann Santiago