Ni Rizaldy Comanda

MULING nanakot at pinasaya ng mga estudyante ng University of Baguio ang mga manonood sa ikalawang paggunita ng Halloween Torch parade o ang tinatawag na “Karkarna ti Rabii (Creature of the Night)” sa kahabaan ng Session Road nitong nakaraang Biyernes ng gabi.

haloween-2

Ang mga estudyante ng high school at college na kalahok ay may kanya-kanyang tema sa kasuotan at partisipasyon, na pawang may kinalamaan sa Halloween o katatakutan, bago sumapit ang paggunita ng Undas.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

 

Ang selebrasyon ng Halloween ay nagsimula sa European country noong 8th century at ‘di-kalaunan ay umabot ito sa Amerika at maging dito sa Pilipinas ay naging tradisyon o kultura na rin ito, kaya bago pa sumapit ang Araw ng mga Kaluluwa ay sinasabayan na rin natin ang mga kababalaghan at katatakutang malimit pinagkukuwentuhan ng mga mamamayan.

 

Ang ilan sa mga itinampok sa Halloween Torch Parade ay ang Kapre, Nuno, Tiyanak, Tahamaling, Tamawo, Tiktik, Engkanto, White Lady, Pasatsat, Kulam, at Diwata.

 

Nag-enjoy nang husto ang mga manood lalo na’t sa Halloween parade lamang nila nakikita ang iba’t ibang tema ng kababalaghan at katatakutan.

“Takot nga ang anak ko sa mga nakasuot ng nakakatakot ng costume, dahil malimit sa telebisyon lang nila napapanood.

Eh, ngayon sa totoong buhay na,” ayon sa residenteng si Myra Mora.

 

Layunin ng pamunuuan ng unibersidad na hindi lang takutin o pasayahin ang mga residente at turista, kundi ipakita ang isang naging tradisyon nang paggunita ng Halloween, bago pa man sumapit ang Araw ng mga Kaluluwa, ang katutubong paggunita nating mga Pilipino sa mga pumanaw na mahal sa buhay.

Ang unang Holloween Torch Parade noong nakaraang taon ay naging malaking tagumpay sa napakaraming taong dumagsa para manood kaya nagdesisyon ang pamunuan ng University of Baguio na isagawa na ito taun-taon. Nakatakda nang gumawa ng city resolution para maging katuwang na ang pamahalaang lokal sa pagsasagawa nito dahil tiyak na lalo pa nitong mapapasigla ang turismo sa lungsod.

[gallery ids="271659,271661,271662,271663,271664,271665,271666,271667,271668,271669,271670,271671,271672,271677,271676,271675,271674,271673,271678,271679,271680,271681,271682"]