Ni MIKE U. CRISMUNDO

CAMP BANCASI, Butuan City – Sa layuning durugin ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA), ipinakalat na ng militar ang dalawang bagong tatag na combat maneuvering battalion sa mga lugar na pinagkukutaan ng mga rebelde sa hilaga at katimugang Mindanao.

Ang dalawang bagong combat maneuvering battalion ng Philippine Army ay ang 88th Infantry Battallion (88th IB) at 89th Infantry Battallion (89th IB).

Sa Bukidnon itinalaga ang 88th IB at magbabase sa Maramag, habang sa Davao del Norte naman ang 89th IB, na may base sa bayan ng Sto. Tomas.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang 88th IB ay binubuo ng mga sundalo mula sa magkakaibang dibisyon ng Army, ang 3rd, 8th, at 9th IDs, at ng mga bagong nagtapos mula sa 4th ID.

Layunin ng dalawang bagong batalyon na ayudahan ang mga sundalong nasa lugar na, upang tuluyan nang durugin ang mga natitirang miyembro ng NPA, ang armadong sangay ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Kasabay nito, hinimok ni Army Chief, Lt. Gen Rolando Bautista ang mga bagong batalyon ng sundalo na iwasan ang pulitika habang tumutupad sa kanilang tungkulin, ngunit patuloy na magpursige sa pagtalima sa mga layunin ng militar.