MOGADISHU (Reuters) – Umabot sa 25 katao ang patay sa 12-oras na pag-atake ng mga militanteng Islamist sa isang hotel sa kabisera ng Somali na nagtapos nitong Linggo, sinabi ng pulisya.

“The death toll rises to 25 people including police, hotel guards and residents. The death toll may rise. We suspect some other militants disguised themselves and escaped with the residents who were rescued,” sabi ni police officer Major Mohamed Hussein sa Reuters.

“Three militants were captured alive and two others blew up themselves after they were shot,” dagdag niya.

Nagsimula ang pag-atake sa Nasahablod Two hotel dakong

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

5:00 ng hapon noong Sabado sa pagsalpok ng isang car bomb. Kasunod nito ay pinasok ng mga armado ang gusali. Winasak ng pagsabog ang harapan ng tatlong palapag na hotel at nasira rin ang katabing hotel.

Inako ng Islamist group na al Shabaab ang pag-atake. Nais nilang pabagsakin ang gobyernong suportado ng U.N. at magpatupad ng istriktong Islamic law.

“We targeted ministers and security officials who were inside the hotel. We are fighting inside,” sinabi ni Abdiasis Abu Musab, ang tagapagsalita ng grupo.

Nagtapos ang pag-take kahapon ng umaga. Nagkalat sa loob ng hotel ang mga bangkay.